Thursday, January 10, 2013

if the shoe fits...


1. The overused shoes

When I went to SM Sta Rosa, I found what I think was the best shoes I've ever had.
It was a black and it was a rubber doll shoes with holes on it
Mendrez ang tatak niya (Mendrez is the brand). Ang tagal ko na naghanap ng black na rubber doll shoes at doon ko lang sa SM Sta Rosa mahahanap yun.
(It’s been a long time that I have been looking for a black rubber doll shoes, only to know that I will just found it in SM Sta Rosa.
And I bought the shoes for 299 lang ! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!
(And I bought the shoes for only Php 299! I just felt lucky because it was the last pair and it was just my size)

Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos.  (I am really happy of my new girly shoes) At napakalambot niya!  (It was so comfortable to wear)
I wore The shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, Capri pants, skirt, dress.
Gamit ko siya in the office, at the mall, in church, even at the beach!  (I used it in the office at the mall, in church, even at the beach!)
Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya.
(Because I almost used it everyday and anywhere, it was expected that not more than a year it will be totally damaged) Sabi ko, okay lang. (I said, it was okay)

May Mendrez  naman sa Festival Mall, saka sa ibang mall, siguro naman may ganoong style pa sila. (Mendrez is available in many SM outlets and other malls)
Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng Mendrez pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa SM Sta Rosa.
Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit Na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na.
Kaso wala. Black Rubber Doll shoes ko -- na malambot bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira na ngayon.
Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit.
Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes.
Hindi ko nga lang inalagaan.

Lesson learned:

Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin na "sana, inalagaan ko siya."


2. The "maganda siya pero masakit" shoes

May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo. Maganda ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa.
May isang problema nga lang... masakit sa paa. Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko. Kaya ayun, binili ko.
Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paa ang bagong sapatos. Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit.
Hindi siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa ko.
At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa diyaskeng sapatos na iyun. Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?

Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mong eventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.

Lesson learned:

Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis kailan man.


3. The shoes that got away

May nakita akong magandang sandals sa Robinsons. Mura lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa babaeng katabi mo sa MRT. Plain Cream siya. Hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inches iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!

Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang sapatos na yun. Madalas akong dumaan sa Robinsons nuon at nakikita ko ang sapatos na gusto ko bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang polka-dots na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko sa Robinsons, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.

Lesson learned:

Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa. Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan. Sa susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung bakit sandamakmak ang bags ko.

- Anonymous –

2 comments:

  1. Funny post. This made me smile. Happened to me madalas, yung sa shoes ha. :)

    XX, Jenniya
    http://simplyjenniya.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Wow sis! Amaze ako here. It seems like we both have the same problem when it comes to picking up shoes. haha ako rin una akong nahuhumaling kapag maganda at naka SALE siya. Marami akong shoes nan nabilli na kung hindi masikip, maluwag naman. At yung mga perfect shoes naman, sila talaga yung nagagamit ko ng too much and at the end, you can't buy the same shoes. Ganda ng relevant ng story ha. I learned. grabe parehong pareho talaga tayo. hehe Excited na ko sa bag part!

    ReplyDelete

thank you for leaving some love on my page.. hugs and kisses ~~ rhaindropz